Mga national park mag-aalok ng libreng parking para sa mga eco-cars

Naglalayon na makamit ng pamahalaan ng Japan ang carbon-neutral society. Ngunit ang bilang ng mga electric at fuel cell vehicles na binebenta sa Japan ay maliit kumpara sa bilang ng benta sa Germany at China.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMga national park mag-aalok ng libreng parking para sa mga eco-cars

 

Nag-desisyon ang Environement Ministry ng Japan na payagan ang mga driver na i-park ang kanilang mga eco-friendly vehicles sa ibang national parks at gardens ng libre mula Abril.

Ibinaba ng ministeryo ang disisyon bilang parte ng kanilang pagsisikap na ipromote ang mga sasakyang hindi nag-bubuga ng carbon dioxide.

Ayon sa mga opisyales, ang libreng parking ay available para sa mga electric at fuel cell vehicles sa 16 na parking lots sa 10 national parks at 2 national gardens.

Ang dalawang national gardens ay ang Shinjuku Gyoen national Garden sa Tokyo at Kyoto Gyoen National Garden. Kasama sa mga national parks ay ang Akan-Mashu National Park sa Hokkaido at San`inkaigan National Park sa Tottori.

Dinagdag rin ng mga ito na libre gamitin buong araw ang mga parking lots sa 10 national parks.

Ngunit sinabi nila na ang libreng parking sa Shinjuku Gyoen ay limitado sa 2 oras lamang at 3 oras naman sa Kyoto Gyoen, dahil ang mga ito ay nasa sentro ng bawat lungsod.

Naglalayon na makamit ng pamahalaan ng Japan ang carbon-neutral society. Ngunit ang bilang ng mga electric at fuel cell vehicles na binebenta sa Japan ay maliit kumpara sa bilang ng benta sa Germany at China.

Nag-labas na ng bagong programa ang Environment Ministry upang doblehin ang subsidies sa pag-bili ng mga electric vehicles, sa kondisyon na ang mga tao ay mayroong pasilidad na maaari nilang i-charge ang kanilang mga sasakyan gamit ang elektrisidad na nang-gagaling sa renewable energy sources.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund