Inaasahan na maka-tanggap ng mga coupons para sa coronavirus vaccine ang mga Senior Citizen ng Japan sa darating na Abril.
Ang Regulatory Reform Minister na si Kono Taro na siyang naka-talaga sa inoculation program, ang nag-sabi sa Lower House Committee ukol sa roll-out para sa mga nakatatanda nuong Lunes.
Inaasahan ni Kono na maraming matandang mamamayan ang maka-tanggap ng coupon bago sumapit ang ika-26 ng Abril, kung kailan plano na ng gobyerno na ipamahagi sa mga munisipalidad ang mga bakuna.
Kinumpirma ng tanggapan ng Punong Ministro sa pamamagitan ng isang post sa Twitter na inaasahang ipamamahagi o ipadala ang vaccine ngayong ika-23 ng Abril.
Sinabi rin ng pamahalaan na balak nilang umpisahang mag-padala ng isang box na nag-lalaman ng 1,170 doses sa bawat munisipalidad ng Japan mula sa ika-26 ng Abril.
Inabisuhan na ng gobyerno ang bawat lokal na pamahalaan ukol sa plano nito sa pag papadala ng mga bakuna at sinabihan sila na gumawa ng vaccination plan.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation