Ang mga gobernador sa mga prepektura ng Japan ay nais ipanatili ang mas-istriktong hakbang upang maiwasan ang pag-kalat ng coronavirus, matapos ibaba ang state of emergency sa Tokyo area nuong Linggo.
Nagsa-gawa ng isang online meeting ang mahigit 30 gobernador nang 47 prepektura ng buong bansa nitong Sabado.
Si Ono Motohiro, gobernador ng Saitama bandang hilaga ng Tokyo ay nag-sabi na “Sa aking prepektura, ang bilang ng mga bagong kaso ay tumigil ng bumababa. Ito ay nagpapa-kita ng muling pag-taas. matapos alisin ang state of emergency, kailangan dahan-dahan lamang ang pag-gaan o pag-bawas sa mga restriksyon. ”
Nag-bigay ng mga panukala sa central government ang mga gobernador upang maiwasan ang muling pag-dami at pag-kalat ng impeksyon. Sila ay nag-dagdag ng mga pinansiyal na suporta upang maka-gawa ng extensive PCR virus test at tracking infection routes.
Nananawagan rin ang mga gobernador sa pamahalaan na kumpletohin ang pag-babakuna sa mga healthcare workers sa lalong madaling panahon at simulan na ang pag-babakuna sa mga naka-tatanda.
Mahigit 1,500 bagong kaso ang nai-ulat sa buong Japan nitong Sabado. Halos kalahati rito ay sa Tokyo area. Ito ay nag-sasaad sa national tally na umabot na sa mahigit 456,000. Halos 8,800 katao na ang pumanaw mula nang mag-simula ang pandemiya.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation