Napag-alaman ng NHK na ang espesyal na siringgilya ay maaaring magpa-dami ng bilang ng doses kada vial para sa bakuna ng Covid-19 na ginawa ng kumpanya mula sa British at US.
Nagka-pirmahan na ng kontrata ang Health Ministry ng Japan sa British company na AstraZeneca para sa 120 doses. Gumawa rin ito ng kasunduan na bumili ng 50 milyong doses mula sa Moderna, isang US biotechnology firm. Kasalukuyang sinusuri ng ministeryo ang mga bakuna na ginawa ng bawat kumpanya.
Ayon sa mga health officials at pagawaan ng gamot ng dalawang bansa, mayroong espesyal na siringgilya na makaka-kuha ng karagdagang dose kada vial mula sa AstraZeneca at Moderna vaccines.
Inirerekomenda ng mga awtoridad ng Britanya at Estados Unidos ang pangkaraniwang bilang ng full doses sa 10 kada vial. Ayon sa opisyales ng Japanese helath ministry, tinitignan umano nila ang pag-gamit ng tinutukoy na espesyal na siringgilya na maaaring makadagdag sa bilang ng doses mula 10 hanggang 11 kada vial. Kasalukuyang hindi nag-bibigay ng anumang komento ang ministeryo dahil hindi pa tapos ang proseso ng pag-aapruba nito.
Nag-simula na ng pag-babakuna ng COVID-19 vaccines ang mga medical workers ng Japan nito Pebrero gamit ang Pfizer-BioNTech vaccine. Ngunit napag-alaman ng mga health officials ng Japan na ang mga karaniwang siringgilya ay naka-kukuha lamang ng limang doses sa halip na anim na doses na katulad ng una nilang inaasahan. Gumagawa ng paraan ang mga opisyal na maka-kuha ng espesyal na siringilya ngunit aasahan nang mag-tataas ang international demand nito.
Pinaniniwalaang ang pag-taas ang bilang ng mga bakuna ay mag-hahantong sa pangangailangan ng pag-dagdag ng supply at mapa-bilis ang iskedyul sa pag-babakuna.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation