Ang mga Japanese airlines ay sinu-subukang padamihin ang bilang ng kanilang domestic passengers sa pamamagitan ng pag-alok ng murang pag-susuri ng PCR. Ang nasabing hakbang ay sanhi ng patuloy na pag-baba ng kanilang kita dahil sa coronavirus pandemic.
Sinabi ng Japan Airlines na lahat ng kanilang domestic passengers ay maaaring magpa-PCR test sa halagang mas mababa sa 20 dollars mula ika-15 ng Marso hanggang katapusan ng June. Kinakailangan na ang pasahero ay kasali o miyembro ng mileage club ng airline upang maging eligible na maka-kuha ng test sa mababang presyo.
Ang mga pasahero ay kinakailangan na mag-request ng test isang linggo bago ang petsa ng kanilang pag-lipad, upang matanggap ang ipapadalang PCR kit sa kanilang tahanan. Ang mga ito ay kinakailangan na mag-sumite ng sample ng kanilang laway at matatanggap ang resulta sa pamamagitan ng e-mail.
Halos kaparehas din ang ini-aalok na serbisyo ng All Nippon Airlines, na nagkaka-halaga ng 23 dollars para sa mga pasaherong lilipad mula Haneda o Narita airport at nagpa-book ng package na may kasamang hotel stay.
Ang low-cost carrier na Peach Aviation ay nag-aalok na libreng PCR test hanggang katapusan ng Marso para sa mga pasaherong lilipad mula o papuntang Kansai o Narita airport.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation