TOKYO
Mag-asawang Vietnamese, inaresto sa pagsasagawa ng cosmetic surgery sa kanilang bahay kahit wala itong lisensya at hindi lehitimong cosmetic surgeon, sinabi ng pulisya noong Lunes.
Ang mag-asawa na sina Tran Thi Nhung, 27, at si Nguyen Tien Phong, 37 – ay nagsagawa umano ng maraming procedures kabilang ang lip injection na hindi bababa sa 50 katao sa pagitan ng nakaraang Nobyembre at Enero, na umabot ang kinita ng halos 4 milyong yen, sinabi ng pulisya .
Ang mag-asawa ay nakakaakit ng mga customer na karamihan ay mga dayuhang kababaihan, sa pamamagitan ng Facebook at sa pamamagitan ng pag endorse sa mga kakilala, at isinasagawa ang mga procedures sa isang apartment sa Urayasu, Chiba Prefecture, sa mas murang presyo kaysa sa mga lehitimong klinika, ayon sa pulisya.
Sinabi ng suspect, “Interesado ako sa cosmetic surgery mula pa nung bata ako, at nag-aral ako sa online at nakikinig sa aking kamag-anak na isang doktor,” sabi ni Nnhung sa mga investigator.
Parehong inamin ng mag-asawa ang paratang sa kanilq, kasama si Phong na gumaganap bilang assistant sa operasyon, sinabi ng pulisya.
Wala pa namang mga problema sa kalusugan ang naiulat mula sa mga pasyente, ayon sa pulisya.
Ang mag-asawa ay naaresto noong Marso 9 dahil sa diumano’y pagsasagawa ng mga medikal na procedures tulad ng pag-opera ng dobleng talukap ng mata sa apat na tao sa kanilang 20s at 30s sa pagitan ng Nobyembre 30 at Enero 8 ngayong taon.
© KYODO
Join the Conversation