M6.9 na lindol, tumama sa northeastern Japan

Naniniwala ang Meteorological Agency na ito ay isang aftershock mula sa malakas na lindol na tumama sa rehiyon nuong 2011.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspM6.9 na lindol, tumama sa northeastern Japan

Isang magnitude 6.9 na lindol ang tumama sa northeastern Japan nuong gabi ng Sabado. Sinabi ng mga opisyales ng Prepektura ng Miyagi na mayroong mga taong napinsala sa kanilang lugar. Isang Tsunami Advisory ang ibinaba sa prepektura, ngunit ito naman ay inalis rin pagka-lipas ng isang oras at kalahati.

Nag-bigay ng babala ang Meteorological Agency na maaaring pang makaranas ng malakas na pag-alog na katulad nung nauna sa mga darating pang araw o linggo.

Nag-rehistro ng 5-plus na intensity sa Japanese seismic scale mula zero hanggang 7 sa ilang parte ng prepektura ng Miyagi.

Ilang munisipalidad sa Tohoku region ay binuksana ng kanilang mga evcuation centers. Ang ilang tao naman ay nag-punta sa mataas na lugar.

Wala namang kaka-ibang nai-ulat sa nuclear power plants sa rehiyon ng Tohoku, kabilang ang Fukushima Daiichi Plant.

Naniniwala ang Meteorological Agency na ito ay isang aftershock mula sa malakas na lindol na tumama sa rehiyon nuong 2011.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund