TOKYO Inaresto ng mga Police Station sa Tokyo ang 56 anyos na lalaking walang trabaho, sa suspisyon na ito ay nagnakaw sa isang convenience store in Kodaira City, Tokyo . Inamin ng lalaki na si, Hiroyuki Uesawa na siya ang nagkakaw at sinabi nito sa mga pulis na “wala akong pera at ako ay gutom.”
Ayon sa mga pulis, pinasok ni Uesawa ang convenience store bandang alas-9:30 ng gabi nuong ika-19 ng Pebrero. Tinakot nito ang babaeng may-ari ng tindahan gamit ang isang patalim at nanghingi ng pera, mula ulat ng sankei shinbun. Binigyan ng babae ang suspek ng 50, 000 yen mula sa kaha at saka ito umalis. Walang kostumer nuon sa loob ng pamilihan at wala naman napinsala sa ginang.
Ayon sa mga pulis, nakilala si Uesawa sa pamamagitan ng surveillance camera ng pamilihan at na aresto nuong March 8 malapit sa isang mumurahing housing facility sa Yokohama kung saan siya pansamantalang nananatili.
Source: Japan Today
Image: Gallery
Join the Conversation