Inaresto ng pulisya ng Japan ang isang lalaki dahil sa pananakit na nauwi sa pagkamatay ng isang wild deer sa isang park sa Nara City sa kanlurang Japan.
Ang mga grupo ng ligaw na usa na gumagala sa Nara Park ay protektado matapos na itinalaga ito na isang likas na kayamanan ng gobyerno mahigit sa 60 taon na ang nakakalipas.
Ang naarestong lalaki ay si Yoshii Hayato na 23-anyos mula sa Mie Prefecture.
Sinabi ng pulisya na sinaktan niya ang deersa pamamagitan ng pagpalo ng isang palakol noong Pebrero 7. Namatay ang hayop dahil sa mga natamong pinsala.
Kinabukasa, ang pulisya ay nakatanggap ng report tungkol sa isang sugatang na deer na hindi na halos makagalaw. Sinuri nila ang kuha ng surveillance camera at nakilala nila si Yoshii bilang suspect.
Sinabi ni Yoshii sa mga investigator na nakikipaglaro siya sa usa nang natabig nito at nagagasan ang kanyang kotse. Sinabi niya na nagalit siya at nagpasyang patayin ito, hinampas niya ito ng palakol.
Si Ashimura Yoshitaka, ang pangkalahatang kalihim ng Nara Deer Preservation Foundation, ay halos hindi makapaniwala sa nangyari. Sinabi niya na ang Nara deer ay itinatangi mula pa noong sinaunang panahon bilang mga messenger ng mga diyos, at hindi sila natatakot sa mga tao. Idinagdag pa niya na inaasahan niyang hindi na maulit ang ganitong bagay.
Join the Conversation