TOKYO (TR) – isiniwalat ng mga pulis na isang ginang na pinaniniwalaang nasa kanya 30’s ay nagpatiwakal umano sa pamamagitan ng pag-sunog sa kanyang sarili sa loob ng compartment ng isang sasakyan sa Hachioji City, mula sa ulat ng Fuji News Network (March 2).
Bandang madaling araw nuong Martes, napansin ng isang lalaki (di umano’y kasintahan ng biktima) na ang kanyang sasakyan ay nasusunog. Nang ito ay kanyang tignan, nakita niya ang nasusunog na katawan ng kanyang kasintahan sa loob.
Nuong nagdaang gabi, hindi umuwi ang babae sa kanilang tahanan. Matapos na hanapin ng lalaki ang kanyang nobya, napansin niyang nasusunog ang kanyang sasakyan.
Nakita ng mga pulis ang isang container ng kerosene sa compartment ng sasakyan. Pinaniniwalaan na inapuyan niya ang gaas upang kitilin ang sariling buhay.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation