Vaccination coupons
Gumawa ng coupon system ang Health Ministry ng Japan para sa coronavirus vaccination rollout. Mauunang maka-kuha ang mga senior citizen ng nasabing coupons.
Ihuhulog ng mga munisipalidad ang mga coupons sa mga residente. Automatikong naka-sulat na rito ang pangalan ng maka-tatanggap ng bakuna kasama ang serial number. Ang pangalan ng taong naka-sulat sa coupon ay maka-tatanggap ng bakuna ng libre, kailangan lamang na ipakita ang coupon sa vaccination center.
Saan maka-tatanggap ng bakuna
Bilang pangkalahatang alituntunin, ang bakuna ay gagawin sa mga munisipalidad kung saan naka-rehistro ang isang residente. May ibang mga bagay na hindi kabilang na maaaring payagan.
Napapa-loob rito ang mga nag-dadalangtao na umuwi sa kanilang bayan, mga taong naninirahan sa ibang bayan at malayo sa pamilya dahil kanilang trabaho, mga mag-aaral na naninirahan malayo sa kanilang pamilya at mga biktima ng domestic violence o child abuse.
Ang eksepsyon ay maaari rin mai-apply sa mga pasyenteng naka-confine sa mga ospital, mga taong mayroong karamdaman babakunahan ng kanilang pangunahing care physician, mga biktima ng sakuna, mga taong nasa kustodiya ng mga pulis at mga taong naka-bilanggo.
Paraan upang makapag-request para sa special circumstances
Bilang pangkalahatang alituntunin, kapag naisin ng isang tao na mabakunahan sa ibang munisipalidad, kinakailangan nilang mag-file ng isang request.
Ito ay maaaring ipadala sa koreo, o direktang ipasa sa mga munisipyo, o sa mga Health Ministry website. Ang request ay kinakailangan na ipasa sa panahon na naka-talaga sa partikular na grupo ng edad at mga kalagayan.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation