Justice Ministry ng Japan, iniimbestigahan ang mga virus-related abuses

Ayon sa mga opisyal, mayroong silang natanggap na 1,693 reklamo na may kinalaman sa human rights violations online.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspJustice Ministry ng Japan, iniimbestigahan ang mga virus-related abuses

Iniimbestigahan ngayon ng Justice Ministry ng Japan ang 175 reklamo na mga kasong pinaghihinalaang abuse of human rights na nangyari nuong nakaraang taon na may kinalaman sa pandemyang dulot ng coronavirus.

Sinabi ng mga opisyal ng ministeryo na ang pangka-lahatang bilang ng reklamo na may kinalaman sa human rights abuse na kanilang iniimbestigahan nuong nakaraang taon ay nag-tala ng 9,589, mahigit 40 porsyento kumpara nuong mga nag-daang taon. Sinabi rin ng mga opisyal na ang hakbang laban sa virus ay nagkaroon ng mababang resulta dahil sa less human contact.

Sa 175 kaso na pinag-hihinalaang may kinalaman sa virus, 74 o mahigit pa sa 40 porsyento ay naituring na nagkaroon ng discriminatory treatment. Ang 41 na kaso naman ay may kinalaman sa privacy violations at 32 ay kasangkot sa labor relations at mga pinag-tatrabahuhan nila.

Sa isang kaso naman, ang pasyenteng nagkaroon ng virus ay nai-ulat na na-harassed ng kanyang amo at iba pa matapos nitong gumaling at bumalik sa trabaho. Ang iba naman ay mga taong napag-bintangan na nag-positive sa pag-susuri ng virus sa internet at mga taong na-reject sa mga klinika dahil ang kanilang mga asawa ay nag-tatrabaho bilang healthcare workers.

Ayon sa mga opisyal, mayroong silang natanggap na 1,693 reklamo na may kinalaman sa human rights violations online, na bumaba naman ng 15 percent mula nuong nakaraang taon. Ngunit napag-alaman nila na nag-tala ng 578 posts na ilegal umano at hinihiling na ito ay burahin.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund