Isang Snack Bar sa Fukuoka, inakusahan sa pag-papatrabaho sa isang menor de edad

Pinaniniwalaan ng mga pulis na ang kini-kita ng mga nasabing bar ay napupunta sa mga sindikato.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

FUKUOKA (TR) – bistado ng Fukuoka Prefectural Police ang isang hostess club sa lungsod ng Iizuka sa pagpapa-trabaho umano sa isang menor de edad nuong nakaraang taon, ayon sa ulat ng Fuji News Network (ika-8 ng Marso).

Nuong nakaraang Mayo, tinanggap umano ni Takumi Honda ang isang babae na di umano ay 16 anyos pa lamang nang mga panahong iyon upang mag-trabaho sa isang snack bar na kanyang mina-manage. Sinabi rin ng mga pulis na nag-ooperate umano ang bar nang walang tamang permit sa mga pagitan ng buwan ng Abril at Hulyo.

Nakumpiska ng mga pulis ang ilang mga damit, sapatos na may takong at mga basyo ng alak habang sinisiyasat ang bar.

&nbspIsang Snack Bar sa Fukuoka, inakusahan sa pag-papatrabaho sa isang menor de edad
Mga nakumpiskang gamit mula sa snack bar sa Iizuka city. Twitter

Inamin ni Honda ang mga akusasyon laban sa kanya matapos ma-aresto sa hinalang pag-labag sa batas ng Regulating Adult Entertainment Businesses.

Ang usapin ay lumabas habang ini-imbestigahan ng mga pulis ang iba pang kaso na may kinalaman sa nasabing dalaga. Sa imbestigasyon, naka-kita ng mga litrato ang mga pulis mula sa telepono ng babae na kuha mula sa loob nang nasabing bar.

Sa iba pang mga kaso, inaresto ng mga awtoridad ang isang babae at lalaki sa ibang snack bar sa Iizuka City dahil sa pag-ooperate nito ng walang legal na permit. Pinaniniwalaan ng mga pulis na ang kini-kita ng mga nasabing bar ay napupunta sa mga sindikato.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund