Napag-alaman rin ng mga ito na ang mga taong nag-eedad nang 50 anyos pataas ay hindi masyadong malakas ang pang-amoy kumpara sa mga bata-bata pa ang edad, kung-kaya’t sila ay nag-prepare ng dalawang set ng magka-ibang tapang ng amoy para sa dalawang grupo na nahahati base sa kanilang edad.
Ayon pa sa mga mananaliksik, ang ibang tao na nahawaan ay nakaranas ng pagka-wala ng kanilang pang-amoy bago pa makaranas ng ibang sintomas, tulad ng lagnat at pag-ubo, at bago sila maging positibo sa pag-susuri.
Sinabi pa ni Professor Ikeda sa mga reporters na ang pagka-wala ng pang-amoy ay isang tipikal na mararanasang sintomas ng coronavirus. Ngunit kakaunti lamang ang mga taong nache-check ang sarili kung sila ay nawalan ng kanilang pang-amoy. Dinagdag niya rin na sana maka-tulong ang nasabing test kit upang kaagad na madiskubre kung sila ay nahawaan ng coronavirus infection.
Source: NHK World Japan
Image: Gallery
Join the Conversation