Isang nanay at kaibigan nito, sentensiyado dahil sa pag-mamaltrato sa 5 taong gulang na anak

Naging sunod sunuran umano si Ikari kay Akahori.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Fukuoka Prefectural Police Headquarters sa Hakata Ward, kuha nuong Feb. 19

FUKUOKA –isang 39 anyos na ina at ang kanyang kakilala ay inaresto ng Fukuoka Prefectural Police nuong ika-2 ng Marso matapos mamatay sanhi ng gutom ang isang 5 taong gulang na batang lalaki.

Si Rie Ikari, 39 anyos at Emiko Akahori, 48 anyos na naninirahan sa lungsod ng Sasaguri, Prepektura ng Fukuoka ay partikular na inakusahan ng pag-abandona ng isang taong responsable para sa proteksyon na nagreresulta sa kamatayan. Ayon sa pulis, ang bunsong anak na lalaki ni Ikari na si Shojiro ay namatay dahil sa kakulangan sa pagkain noong Abril 2020. Si Akahori ay nauna nang naaresto at kinasuhan dahil sa pag-waldas ng pera kasama ang mga welfare benefits para kay  Ikari.

Nagkuntsaba umano si Ikari at Akahori na bawasan ang dami ng pagkain at bilang ng ipinapa-kqin kay Shojiro bandang buwan ng Agosto taong 2019. Sila ay inakusahan nang hindi tamang pag-aalaga sa bata sa pamamagitan ng hindi pag-bibigay ng tamang dami ng pagkain sa bata at pagpapa-baya nang ito ay maging malnourished nuong bandang huling yugto ng Marso taong 2020. Ang bata ay namatay nuong ika-18 ng Abril sanhi ng pagka-gutom. Umamin si Ikari sa mga paratang sa kanila, ngunit iginigiit ni Akahori na wala siyang alam.

10 kg lang umano ang timbang ni Shojiro nuong ito ay binawian ng buhay, ito ay kalahati lamang ng normal na timbang ng mga batang kaparehas niya ng edad, (19.6 kg).

Ayon sa mga sources kabilang ang prefectural police at mga kapitbahay ng mga suspek, ang dalawa ay naging magkaibigan dahil ang mga anak nila ay pumapasok sa iisang kindergarten, ngunit si Ikari ay bigla na lang na nakokontrol ni Akahori. Naging sunod sunuran umano si Ikari kay Akahori na dumating sa punto na halos lahat ng pera para sa kanyang pangka-buhayan ay ibinibigay na sa huli.

Nag-sinungaling umano si Akahori na ang dating asawa ni Ikari ay nag-loloko at humihingi siya ng pera upang bayaran ang imbestigador at pera umano na ibibigay sa babae ng kanyang asawa bilang bayad sa danyos. Inaresto si Akahori dahil sa suspetsa na ito ay manloloko at kumuha lamang mg pera kay Ikari na umabot na sa halagang 1.87 million yen o ( mahigit 17,500 dollars).

Nag-desisyon ang mga pulis na arestuhin si Akahori base sa hatol na siya ang responsable sa pamamalakad ng pera ng pamilya ni Ikari at pag-protekta sa buhay ng bata.

Source and Image: The Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund