Ang mga residente sa hilagang Japan, na malubhang tinamaan ng 2011 earthquake at tsunami, ay sinubukan ang bagong evacuation stairs na maaaring maka-ligtas ng maraming buhay.
Nang tumama ang malaking tsunami mahigit 10 taon na ang nakararaan, ang mga residente ng mga naapektuhang lugar ay nahirapang umakyat sa matataas na dalisdis o slopes sa isang highway upang maka-ligtas.
Mula nuon, nag-tatayo na ng mga hagdan sa mga dalisdis o slopes ang Land and Infrastructure Ministry bilang mga ruta pang-likas.
Ang lungsod ng Otsuchi sa Iwate Prefecture ay nasira at maraming tao ang pumanaw sanhi ng nasabing sakuna.
Inimbitahan nuong Sabado ang mga lokal na residente upang masubukan ang bagong tayo na hagdan sa ginawa sa lungsod.
Isang participant ang nag-sabi na ito ay malaking tulong sa lahat dahil importante ang bawat minuto kapag nagkaroon ng Tsunami.
Nag-sabi ang opisyal na naka-talaga sa disaster management ng lungsod na si Tanaka Kyoetsu, na hindi ito katapusan ng kanilang pagsisikap.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation