Isang frontliner sa Japan, namatay sa brain hemorrhage ilang araw matapos makatanggap ng covid-19 vaccine

isang babae na nasa kanayang 60's at isang frontliners ang namatay noong Lunes, tatlong araw matapos makatanggap ng bakuna laban sa coronavirus ngunit hindi pa masigurado ng eksperto kung may kinalaman ba sa vaccine ang pagkamatay nito.  #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspIsang frontliner sa Japan, namatay sa brain hemorrhage ilang araw matapos makatanggap ng covid-19 vaccine

Ayon sa Health Ministry ng Japan, isang babae na nasa kanayang 60’s at isang frontliners ang namatay noong Lunes, tatlong araw matapos makatanggap ng bakuna laban sa coronavirus ngunit hindi pa masigurado ng eksperto kung may kinalaman ba sa vaccine ang pagkamatay nito.

Ito ang unang pagkakataon sa Japan na ang isang taong nabakunahan ay namatay, ngunit inaalam pa rin ng mga eksperto kung may kinalaman ba sa pagkamatay nito.

Sinabi ng ministeryo na ang babae, isang health care worker, ay nakatanggap ng bakunang Pfizer-BioNTech noong Biyernes.

Noong Martes, ang ospital na namamahala sa bakuna ay nag ulat sa ministeryo na nagsabing ang babae ay namatay noong Lunes.

Sinabi ng ospital na ang babae ay wala namang underlying na sakit o mag allerg at pinaniniwalaang namatay dahil sa subarachnoid hemorrhage.

Sinabi ng ministeryo sa kalusugan na ang kaso ay susuriing mabuti ng isang panel ng mga eksperto.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund