Nuong nakaraang Marso, nag-pataw si Pangulong Rodrigo Duterte nang malawakang hakbang laban sa coronavirus sa kabisera ng Maynila, kabilang ang mga limitasyon sa aktibidad ng mga negosyo at pananatili ng mga bata at naka-tatanda sa kanilang mga tahanan. Isang taon ang nakalipas, ang komprehensibong katangian ng mga pag-hihigpit na ito ay napatunayang sinusubokan para sa populasyon.
Si John Alwyn Mancio, 26 anyos ay nag-bukas ng Japanese restaurant sa manila nuong Enero nang nakaraang taon. Ngunit napilitan siyang isara ito makalipas ang 3 buwan matapos simulan ang lockdown sa bansa. Muli siyang nag-bukas makalipas ang ilang buwan ngunit ang mga tao ay hindi lumalabas mula sa kanilang mga tahanan. Ang kanyang negosyo ay nakasalalay lamang sa mga online delivery orders.
“Ito ay napaka-hirap para sa akin,” ani ni Mancio. “Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil wala akong mga kostumer.”
Ang GDP ng Pilipinas ay bumagsak ng 5.9% nitong nakaraang taon, sanhi ng coronavirus business restrictions. Ito ay ang pinaka-mababa na inabot ng bansa mula nuong magkaroon ng comparable data ng taong 1964 aat ang pinaka-malaking pag-urong sa lahat ng Major Southeast Asian economies sa taong 2020.
Maraming residente– katulad ng mga negosyante at sibilyan– ay nananawagan sa pamahalaan na pagaanin ang mga restriksyon, ngunit nananatiling naninindigan si Duterte. Sinabi ng Pangulo na ang pangunahing layunin ay ang malupil ang virus at muli siyang nag-pahayag sa isang televised address na hindi niya babawiin ang mga pag-hihigpit sa mga hakbang hanggang sa maging available ang bakuna.
Tulad ng karamihang mga bansa, tinamaan ng malubha ang mga nag-hihirap na mamamayan sa hakbang laban sa virus. Si Leonardo Armadin, 42 anyos ay naninirahan sa iskwater sa hilagang-kanluran ng Manila. Siya ay nawalan ng trabaho bilang waiter bago pa man mag-simula ang lockdown at hindi na muli pang naka-hanap ng ibang trabaho. Ang kanyang manugang na lalaki ang siyang kumikita para sa 8 kataong pamilya sa pamamagitan ng pag-bebenta ng mga bagay-bagay, ngunit sinabi ni Armadin na malapit na silang magutuman nuong mga nagdaang mga buwan. Ito ay pangkaraniwang istroya sa Pilipinas ngayong panahon ng pandemiya; ayon sa isang survey na isinagawa nuong nakaraang Nobyembre, ini-estima na 4 na milyong tahanan sa bansa ay nakaranas ng pagka-gutom mula nang mag-simula ang restriksyon.
“Kailangan ko ng trabaho kahit ano pa man ito,” ani ni Armadin. “Hindi man lamang ako maka-bili ng pagkain para sa mga anak at apo ko.”
Ang 9 na taong gulang na si John Barwela ay naninirahan sa katabing bahay. Dahil sarado ang mga paaralan, kinakailangan na siya ay manatili sa loob ng kanilang tahanan at mag-aral ng mag-isa sa loob ng isang taon. Ginagamit niya ang tablet na ipinahiram ng lungsod ng libre para sa mga kapus-palad na pamilya, ngunit ang lugar ay may mahinang koneksyon ng internet kung-kaya’t kalimitan ay hirap mag-download ng mga teaching materials at mag-tanong ang bata.
“Nakakaramdam ako ng lungkot dahil mag-isa lamang akong nag-aaral at hindi ko nakikita ang aking mga kaibigan,” sinabi ni Barwela.
Ayon sa Philippine Education Ministry, halos 14.4 milyon na kabataan o 60% ng mga mag-aaral mula elementarya at highschool ay hindi makapag-aral online dahil sa kakulangan ng tamang koneksyon sa internet.
Ang kawalan ng trabaho at pag-sara ng mga paaralan ay nagsama-sama na at gumawa ng isang nakaka-bagabag na problema sa bansa. Ayon sa Justice Department ng bansa, mayroong mga ilang kaso ng mga tao na nawalan ng trabaho na ipi-nost ang mga malalaswang larawan o video ng kanilang anak sa internet upang magka-pera lamang.
Ayon sa tala na ini-ulat ng Justice Department ng Pilipinas, umabot ng 1.29 million ng mga larawan at video ng mga bata ang ipi-nost online nuong nakaraang taon, mahigit na tatlong beses ang pigura kumpara nuong mga nagdaang taon. Ang ilang kabataan na naging biktima ng ganung pag-aabuso ay kasalukuyang nasa kostudiya ng isang shelter sa Maynila.
“Dumarami ang bilang ng mga biktima dahil nawalan ng mga trabaho ang kanilang mga magulang at ang mga bata ay hindi pinapayagang lumabas,” ayon kay Eunice Dipasupil, isang staff member sa shelter. “Ang mga batang bago pa lamang dinala sa amin ay nalilito at nasaktan. Kailangan gumawa ng hakbang ang pamahalaan laban dito.”
Sa kasalukuyan, si Duterte ay nakapag-bigay na ng 2 beses na suporta na nagkaka-halaga ng $10 bilyon, kabilang ang mga pagkain at pera para sa mga nawalan ng trabaho. Ngunit ito raw ay hindi pa sapat at ang mga benepisyo ay hindi naipapamahagi ng tama, ayon sa mga kritiko.
Ngayong buwan ay nag-simula nang mag-bakuna sa bansa, ngunit ang pag-kalat ng bagong uri ng coronavirus ay tumataas ang bilang. Nitong ika-26 ng Marso, ang daily tally ay lumagpas na sa 9,800 sa kauna-unahang pagkakataon mula ng mag-simula ang pandemiya. Itinaas na ng pamahalaan ang restriksyon sa pinaka-mataas na level.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation