Isang Amerikanong guro ang nag-post nang isang video na “pagsasak-sakin ko hanggang sa mamatay ang mga bata.”

Ayon sa mga pulis, si Havick ay nag-tuturo sa 7 elementary school sa Kaizu mula pa nuong Enero.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

GIFU (TR) – ina-resto ng Gifu Prefectural Police sa Kaizu City ang isang lalaki na English teacher na isang American National holder, dahil sa pananakot na ginawa nito online na “papatayin sa saksak ang mga bata” mula sa ulat ng Nippon News Network (March 15).

Nuong ika-1 ng Marso, si Benjamin Joel Havick, 43 anyos ay nag-post umano ng isang video sa isang social media na may naka-saad na: “Bukas pupunta ako sa elementary school at papatayin ko sa saksak ang mga bata.”

Na-unahan umano ng Lupon ng Edukasyon ang pag-aksyon mula sa ipinost ni Havick na video.

Hindi rin inilathala nang mga pulis kung umamin o hindi sa mga paratang laban sa kanya ang suspek na naninirahan sa Kariya City, Aichi Prefecture.

Ayon sa mga pulis, si Havick ay nag-tuturo sa 7 elementary school sa Kaizu mula pa nuong Enero.

Napag-alaman ang usapin ng video nuong ika-13 ng Marso. Agad na ipinag-bigay alam ng Lupon ng Edukasyon sa mga paaralan ang nasabing pananakot. Sa kabila nito ay wala namang naganap na peligro.

Sa kasalukuyan, nag-hahanap ang mga pulis ng motibo sa kaso.

Source: Tokyo Reporter

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund