Habang buhay na pagkaka-bilanggo, hatol sa pumaslang sa batang Vietnamese nuong 2017

Ang ama na si Le Anh Hao ay nag-sabi na, masakit para sa kanya na habang-buhay na pagkaka-bilanggo lamang ang hatol sa pumatay sa kanyang anak. Pinakiki-usapan niya ang mga taga-usig na muling humiling na mabago ang hatol. 

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspHabang buhay na pagkaka-bilanggo, hatol sa pumaslang sa batang Vietnamese nuong 2017

 

Ang korte suprema sa Japan ay hinatulan ng habang-buhay na pagka-bilanggo ang lalaking nakulong dahil sa pag-patay sa 9 na taong gulang na Vietnamese na batang babae sa Prepektura ng Chiba nuong taong 2017.

Ang korte suprema sa Tokyo ay ibinaba ang hatol nuong Martes, at pag-reject sa kahilingan ng kampo ng nasasakdal para sa pagpapa-walang sala sa 49 anyos na si Shibuya Yasumasa.

Si Shibuya ay kinasuhan sa salang pag-patay kay Le Thi Nhat Linh matapos hablutin ng suspek ang bata habang ito ay papasok sa paaralan sa Matsudo City. Ang labi ng bata ay kalauna`y natagpuan sa kalapit na lungsod. Ang suspek ay nag-silbi bilang pinuno ng PTA group sa paaralan ng bata nuong mga panahon ng pag-paslang sa paslit.

Hinatulan ng Chiba District Court si Shibuya ng reclucion perpetua o habang buhay na pagkaka-bilanggo nuong 2018. Ang parehong kampo ng taga-usig at nasasakdal ay umapela sa nasabing pagpapa-siya.

Sa pag-uusig sa korte suprema, muling umapela para sa hatol na kamatayan ang mga taga-usig.

Ngunit ang mga lawyer ni Shibuya ay nag-sabi na ang mga pulis ay kumolekta ng sigarilyo upang maka-kuha ng DNA sample nang walang search warrant, na idiniin nilang isang ilegal na pamamaraan. At sinabi rin nila na hindi ginawa ng nasasakdal ang ibinibintang na krimen.

Tinanggap ni Presiding Judge Hiraki Masahiro na ilegal ang ginawang pamamaraan ng mga imbestigador upang maka-kuha ng ebidensiya.

Ngunit tinanggap niya na kina-kailangang magkaroon ng DNA sample dahil ang krimen ay napaka-bigat at kina-kailangan na agarang malutas. Sinabi niya na walang makabuluhang paglabag sa mga karapatan.

Tinanggihan ng hukom ang kahilingan ng mga taga-usig para sa parusang kamatayan, na sinabing mayroong “reasonable doubt” na ang krimen ay pinag-planuhan. Pinataguyod niya ang hatol na habang-buhay na pagka-bilanggo na mula sa mababang hukuman.

Nag-salita ang magulang ng bata sa isang news conference matapos maibaba ang hatol.

Ang ama na si Le Anh Hao ay nag-sabi na, masakit para sa kanya na habang-buhay na pagkaka-bilanggo lamang ang hatol sa pumatay sa kanyang anak. Pinakiki-usapan niya ang mga taga-usig na muling humiling na mabago ang hatol.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund