TOKYO
Ang pagdami ng mga cluster infections ng coronavirus na naka-link sa mga daytime karaoke sessions, kasama ang maraming naiugnay sa 93 na mga kaso sa isang prefecture, ay nagtulak sa mga awtoridad ng isang mahigpit na pagbabala noong Martes at nanawagan para magdoble ingat ang lahat.
Hindi bababa sa 215 katao ang nag positibo sa mga kaso na naka-link sa mga daytime karaoke, isang past time ng mga retirado at matatanda, sinabi ng Ministro ng Ekonomiya na si Yasutoshi Nishimura noong Martes.
Siyamnapu’t tatlo ang nasa Saga Prefecture sa timog-kanluran ng Japan, na may edad na mula 50 hanggang 80, ngunit ang mga cluster ay natagpuan din sa Saitama at Chiba prefecture, nasa ilalim pa rin ng isang estado ng emerhensiya na nakatakda hanggang Marso 21.
Marami sa mga itinatag na karaoke ng Japan ay nagtatampok ng maliliit na silid na mga magkakatabing sofa kung saan ang mga grupo ay maaaring kumanta, kumain at makipag-usap nang pribado nang mahabang oras.
Kailangan nilang gumawa ng masusing hakbang kasama ang paglalagay ng mga acrylic panel, pag install ng mahusay na bentilasyon at pagdidisimpekta ng mga mikropono.”
Nanawagan din siya sa mga nasa mga lugar na nasa ilalim pa rin ng estado ng emerhensiya na iwasan ang mga hindi kinakailangang paglabas ng kanilang mga tahanan.
Halos 448,400 katao ang nagpositibo sa Japan at halos 9,000 ang namatay mula nang magsimula ang pandemiya.
© Thomson Reuters 2021.
Join the Conversation