Ang mga pasaherong magche-check in sa dalawang pangunahing internasyonal na paliparan sa Japan ay aasahan na ito ay mas magiging madali na. Mula sa July, halos marami na ang maaaring gumamit ng facial recognition system upang umusad ng mas mabilis sa mga pangkaraniwang checkpoints sa kanilang mga departure gates.
Ang mga opisyal sa Narita malapit sa Tokyo ay ipakikilala ang sistema para sa overseas flights ng Japan Airlines at All Nippon Airways.
Ang mga nasa Haneda sa kapitolyo ay mag-lalagay rin nito para sa kanilang mga international flights para sa ibang mga airlines.
Inaasahan ng parehong kampo na ang teknolohiya ay maka-tutulong sa pag-limita ng person to person contact, isang importanteng hakbang upang maiwasan ang pag-kalat ng COVID infection.
Kinakailangan na ipa-rehistro ng isang manlalakbay ang kanilang mukha, pati na rin ang kanilang mga passport photo at boarding pass data sa mga itinalagang check-in terminals.
Kapag ito ay nairehistro na nila sa system, hindi na nila muling kailangan ipakita ang kanilang boarding pass at passport hanggang sa maka-alis.
Kinakailangan na lang na tumingin sa mga camera habang papunta sa baggage check-in at security screening.
Ang operator ng narita Airport ay nag-sabi na ang hakbang ay isang importanteng hakbang upang ire-start ang mga international travel.
Source: NHK World Japan
Image: Japan Today
Join the Conversation