Share
Ina-prubahan ng senado ng Estados Unidos ang 1.9 trilyong dolyar na coronavirus relief package na nag-lalayong matulungan ang mga mang-gagawa at pamilya na tinamaan ng pandemya. Ang panukalang batas ay ang unang financial package ni Pangulong Joe Biden. Magbi-bigay ito ng direct payment hanggang sa 1,400 dolyar at extension ng mga benepisyo para sa emergency ng mga nawalan ng trabaho hanggang buwan ng Septyembre.
Ito ay na-aprubahan ng 50 hanggang 49 na boto kasama ang partido. Karaniwan, ang isang panukalang batas sa badyet ay nangangailangan ng suporta ng tatlong ikalimang bahagi ng senado, ngunit unang nagpa-tibay ng resolusyon ang mga Demokratiko upang aprubahan ang panukalang batas sa pamamagitan ng . Nanawagan si Biden sa mga Republicans ng Senado na suportahan ang panukalang batas na ipatupad ang mga hakbang sa lalong madaling panahon.
Sa ilang pag-susog, ibabalik ang panukalang batas sa Kapulungan ng mga Kinakatawan. Inaasahang pipirmahan ito ni Pangulong Biden at maisasa-batas sa kalagitnaan ng Marso. Habang kausap ang mga reporter sa White House nuong Sabado, sinabi ng pangulo na ang ipinasang panukala sa batas ay ” isang malaking hakbang pasulong.” Dinagdag rin ng pangulo na ang nasabing package ay naka-laan para matugunan ang mga pangangailangan ng mga tao, upang mapawi ang kanilang pinag-daraanang hirap at upang matulungan makabangon ang bansa.
Sinabi niya rin na nais na niyang mapirmahan ang nasabing panukalang batas sa lalong madaling panahon.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation