MIZUNAMI, Gifu –Ang “Earth Corridor” museum sa isang lungsod sa Central Japan, na itinayo nuong taong 1993 gamit ang labi ng isang underground factory na hinukay nuong panahon ng Pacific War, ay mag-sasara na ngayon ng Marso sanhi ng pagka-sira, binisita ng mga lokal na mamamayan na nang-hihinayang na mag-sasara ang isang pasilidad na nag-bahagi ng isang era ng mundo.
Ang tema ng museo ay “isipin ng mga tao ang mundo.” Habang nilalakad ang 240 metrong haba ng underground trench. Matututo ang mga bumisita tungkol sa kasaysayan ng mundo mula nang ito ay nag-simula 4.6 bilyong taon ang naka-lilipas hanggang sa lumitaw ang sangkatauhan sa pamamagitan ng mga panels at videos. Ang pasilidad na may katamtamang ilaw lamang ay nahahati sa iba`t-ibang panahon at sa “dinosaur paradise” area, kung saan ang mga alulong ng mga dinosaurs ay naririnig at ang isang full-body skeletal model ay naka-display na parang ito ay nag-lalakad.
Si Chikako Yokota, 36 anyos na nag-mula pa sa lungsod ng Tajimi sa prepektura ng Gifu ay nag-sabi na, “Sinama ko ang aking mga anak rito dahil marami akong masasayang alaala sa lugar na ito nuong aking kabataan. Nakapang-hihinayang na ang museyong ito ay mag-sasara na dahil ang aking anak ay nag-sisimula pa lamang maging interesado sa mga dinosaurs. Kami ay babalik muli sa lugar na ito.”
Ipinaliwanag ni Yusuke Ando, 38 anyos, isang mang-gagawa sa museo na ” Ang pasilidad ay gumagamit ng mga natural na kweba kaya ito ay naka-wiwili at kaka-iba, ngunit ang pag-papanatili nito ay napaka-hirap.”
Pinaniniwalaang ang pagka-sira ng mga exhibit ay napa-bibilis dahil sa pagka-halumigmig ng kweba at dahil sa pabago-bagong klima ang mga konkreto ng pasilidad ay nabibiyak sanhi ng pagka-basa ng mga strata at pag-laki ng mga bato.
“Kami ay nasa dulo na ng aming pagsasa-ayos” nakalulungkot na saad ni Ando.
(Japanese original by Koji Hyodo, Nagoya Photo Group)
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation