Ang dilaw na buhangin mula sa disyertong bahagi ng Tsina ay umabot na sa western Japan.
Ayon sa mga opisyal ng Japanese weather, ang pangyayaring ito ay nakita sa mga rehiyon ng Kyushu, Shikoku at Chugoku nitong Lunes. Ang kanlurang hangin ay lumalakas sa mga lugar na nabanggit.
Bumaba sa 6 na kilometro ang visibility sa lungsod ng Matsue, 8 kilometro naman sa lungsod ng Hiroshima at 9 na kilometro naman sa lungsod ng Okayama.
Ang buhangin ay inaasahang liparin patungong pa-silangang at umabot sa mga lugar sa pagitan ng eastern at northern Japan ngayong Martes. Maaaring bumaba ang visibility hanggang 5 kilometro sa ibang mga lugar.
Pinapayuhan ng mga weather officials na mag-ingat at maging alerto sa pagma-maneho ang mga drayber.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation