Dating trabahante ng nursery, kinasuhan sa ikatlong beses dahil sa hinalang pang-momolestiya ng 2 bata

"Kapag hindi ka nakipag-date sa akin, papatayin kita," ani ng suspek. Siya ay pinakawalan umano at hindi nasampahan ng kaso. 

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOKYO (TR) – isang 28 anyos na vocational student ang nasa kustodiya ng mga pulis dahil sa hinalang pang-momolestiya nito sa 2 babae ay nagkaroon ng ikatlong kaso, ayon sa mga pulis, mula sa ulat ng TBS News (ika-8 ng Marso)

Ang ikatlong kaso ay nangyari sa isang nighttime nursery sa kapitolyo kung-saan pansamantalang nag-tatrabaho si Hidenori Yoshida.

Sa siyam na okasyon sa pagitan ng mga petsang ika-21 ng Abril at ika-26 ng Agosto taong 2019, dinala umano ni Yoshida ang isang elementary student na nuon ay 6 na taong gulang pa lamang sa isang pribadong kwarto ng nursery at hinawakan ang katawan  nito. ” Kapag nag-sumbong ka, papatayin kita,” pananakot umano nito sa bata.

Inamin ni Yoshida ang mga paratang laban sa kanya nang ma-aresto sa suspetsa ng pang-momolestiya. ” Nababagabag ako ngunit hindi ko matiis ang aking kagustuhan,” ani nito sa mga pulis.

Hidenori Yoshida, Twitter

Siya lamang ang tauhan doon

Si Yoshida ay nag-tatrabaho pansamantala sa nasabing nursery sa pagitan ng Enero 2019 at Oktubre. Ang oras ng kanyang trabaho ay sa pagitan ng alas-5:00 ng hapon hanggang ala-6:00 ng umaga kinabukasan. Nang mangyari ang mga nasabing insidente, siya lamang ang tauhan sa nasabing establisyamento.

Matapos lisanin ang nursery, pansamantalang nag-trabaho sa bahay ampunan si Yoshida. Nuong nakaraang Disyembre, ito ay inaresto dahil sa pananakot sa isang mag-aaral sa nasabing pasilidad. “Kapag hindi ka nakipag-date sa akin, papatayin kita,” ani ng suspek. Siya ay pinakawalan umano at hindi nasampahan ng kaso.

Habang nag-iimbestiga, naka-kuha umano ng isang hard disk na nag-lalaman ng mga videos na nagpapakita ng pang momolestiya sa maraming batang babae ang mga pulis.

At nuong ika-15 ng Enero, inaresto ng mga pulis si Yoshida dahil sa pang-gagahasa umano sa isang 8 taong gulang na batang babae sa nasabing nursery. Nitong nakaraang buwan, muling inakusahan ang suspek sa pang-momolestiya sa 4 na taong gulang na bata sa parehong pasilidad.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund