OSAKA (TR) – inaresto ng Osaka Prefectural Police ang dating miyembro ng isang criminal syndicate sa kaso umano ng pag-bebenta ng Marijuana sa isang menor de edad na lalaki nuong nakaraang taon, mula sa Mainichi Broadcasting System (March 11).
Nuong nakaraang Oktubre, binentahan umano ni Ryuichi Takamoto, 40 anyos ang isang batang lalaki sa isang bahay sa Fujiidera City.
“Wala akong inabot na marijuana,” ani ng suspek sa mga pulis habang patuloy na itinatanggi ang paratang laban sa kanya.
Ayon sa mga pulis, lumabas bilang person of interest si Takamoto sa imbestigasyon matapos mahuli ang kakilala ng bata sa kasong possession of marijuana.
Napag-alaman ng mga pulis na si Takamoto ay nag-susupply ng marijuana sa mahigit 10 kabataan, kabilang ang isang mag-aaral sa kolehiyo.
Mataas na talaan
Nuong nakaraang taon, nagkaroon ng pag-aresto sa mahigit 114 na kabataan ang Osaka police sa mga kasong may kinalaman sa marijuana, ito ay pinaka-mataas na tala mula ng sinimulan ang statistics nuong 1990.
Pinaniniwalaan ng mga pulis na ginagamit ng kabataan ang social media upang maka-benta.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation