Bilang ng kaso ng Child Abuse sa Japan, tumaas nitong taong 2020

Plano na mag-sagawa ng hakbang upang makipagkooperasyon sa mga child consultation center at sa mga paaralan upang agad na makita ang unang senyales o sintomas sa pang-aabuso.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspBilang ng kaso ng Child Abuse sa Japan, tumaas nitong taong 2020

Ang taunang kabuoang bilang ng mga suspek sa pang-aabuso sa mga bata sa Japan ay umabot na ng 100,000 sa kauna-unahang pagkaka-taon.

Ayon sa pahayag ng National Police Agency mayroong mahigit 106,991 kabataan na nag-eedad ng hindi pa aabot sa 18 anyos ay dinala sa child consultation center sa Japan nuong nakaraang taon dahil suspisyon na ito ay mga biktima ng pang-aabuso. Ito ay tumaas ng 8,769 na kaso kumpara nuong nakaraang taon.

Halos 73 porsyento ng mga kasong ito ay mula sa mental abuse tulad nang verbal harassment at pagpapa-kita ng bayolenteng pag-uugali ng mga magulang.

Natuklasan ng mga pulis ang mahigit 2,133 kaso ng Child Abuse nuong nakaraang taon at ayon sa kanila halos 2,172 kabataan ay ang mga biktima. Ang bilang ng kaso at talaan ay parehong mataas. May kabuoang 61 na kabataan ang namatay sanhi nitong lumalaking problema.

Ayon sa mga pulis, may mga kaso ng pang-aabuso na hindi natin nakikita dahil halos lahat halos ng tao ay nananatili sa loob ng kanilang tahanan sanhi ng Pandemiya at hindi natin napapansin ang mga warning signs.

Plano na mag-sagawa ng hakbang upang makipagkooperasyon sa mga child consultation center at sa mga paaralan upang agad na makita ang unang senyales o sintomas sa pang-aabuso.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund