Bakuna para sa mga SDF medical personnel, nag-simula na

Sila ay tinanong tungkol sa kanilang mga kalusugan at kung sila ay may kasaysayan ng allegies bako sila binakunahan. Matapos silang ma-ineksyonan sila ay nag-antay ng 15 minutos sa isang itinakdang lugar upang makita kung magkakaroon sila ng anumang reaksyon mula sa bakuna.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspBakuna para sa mga SDF medical personnel, nag-simula na

Nag-simula nang bakunahan ng coronavirus vaccine ang mga medical staff members ng Japan`s Self-Defense Forces. Ang nasabing hakbang ay para bigyang prayoridad na mabakunahan ang mga medical workers sa buong bansa.

Ang mga mangga-gawa sa Self-Defense Central Hospital sa Tokyo ay ang mga naunang binakunahan nitong Lunes.

Sila ay tinanong tungkol sa kanilang mga kalusugan at kung sila ay may kasaysayan ng allegies bako sila binakunahan. Matapos silang ma-ineksyonan sila ay nag-antay ng 15 minutos sa isang itinakdang lugar upang makita kung magkakaroon sila ng anumang reaksyon mula sa bakuna.

Sinabi ng hospital na ang lahat ng kanilang mahigit 1,000 staff,  kabilang ang mga clerical personnel ay naka-takdang mabakunahan. Bilang pag-subok, limang katao kabilang ang pinuno ng ospital na si Fukushima Koji ay naunang binakunahan nitong Lunes.

Ayon kay Fukushima, simulan sa Martes ang pag-babakuna sa lahat. Sinabi ng ospital na sila ang mamamahala sa lahat at mag-iingat sa magiging side-effect nito.

Ayon sa Defense Ministry, mahigit 14,000 miyembro ng SDF medical personnel ang nasa priority list na babakunahan.

Source and Image: NHK World Japan

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund