Natuwa ang mga bumisita sa isang Zoo sa Prepektura ng Wakayama nang makita ang baby Panda.
Ipina-kita ng Adventure Park sa Shirahama Town nuong Biyernes ang babaeng panda sa publiko sa kauna-unahang pagkaka-taon. Ito ay ipinanganak nuong nakaraang Nobyembre. Kadalasan ay ipinapa-kita ng Zoo ang kanilang mga alagang Panda kahit na ito ay dalawang linggo pa lamang matapos ipanganak, ngunit kanila nilang inantala ang pagpapa-kilala sa kanilang bagong alaga.
Sinabi ng mga tagapag-alaga na ang panda na hindi pa napapangalanan ay tumimbang ng 157 grams nuong ito ay ipinanganak. Sa kasalukuyan ito ay nag-titimbang nang 6 kilograms at nag-simula nang gumapang nuong linggo.
Nililimitahan ng nasabing pasilidad ang mga taong bumibisita bilang pag-sunod sa hakbang upang malabanan at maiwasan ang kumakalat na impeksyon.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation