HOKKAIDO (TR) – binaba ng isang korte ang hatol na pagka-bilanggo sa isang 28 anyos na babae, matapos matagpuan ang sariling anak sa kanilang tahanan sa lungsod ng Tomakomai nuong nakaraang tao, mula sa ulat ng NHK (ika-9 Marso).
Ibinaba ang hatol na isa hanggang tatlong taon na pagkaka-bilanggo sa kaso ni Aimi Tokuda (walang trabaho) sa Sapporo District Court, sa sala ng presiding judge na si Yoichi Tsukahara, matapos matagpuan ang labi ng kanyang 2 taong gulang na anak sa kanilang tahanan.
Ayon sa pagpapasiya, ang bata ay binawian ng buhay sa loob ng banyo nuong Enero taong 2020 sa kanilang tahanan kung saan kasama nitong naninirahan ang kanyang ina.
Itinago ni Tokuda ang bangkay ng bata sa loob ng isang maleta upang maikubli ito dahil hindi niya nai-rehistro sa lokal na munisipalidad ang bata nuong ipinanganak.
“Sa pag-aabandona sa labi ng iyong anak nang mahigit sa 10 buwan, lubos mong pininsala ang dignidad ng yumao.” ani ni Judge Tsukahara.
“Ang labi ng aking anak ay nasa aking pamamahay”
Nuong nakaraang Disyembre, nag-tungo si Tokuda sa Tomakomai Police Station at nag-sabi na “Ang bangkay ng anak ko ay nasa bahay,” ulan ng mga ito.
Natagpuan ng mga awtoridad na nag-tungo sa kanilang tahanan ang labi ng bata. Sa kanyang pagkaka-aresto, sinabi ng mga pulis na inamin ni Tokuda ang mga alegasyon laban sa kanya.
Sinabi rin ni Judge Tsukahara na “Tinignan rin ang motibo nang pangamba na mabuking na ang bata ay hindi ini-rehsitro. ”
Ngunit kinusidera rin ng hukom ang “kagustuhang mag-bago” bago ibinaba ang nasabing pag-hahatol sa akusado.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation