Ayon sa isang survey ng isang asosasyon ng internasyonal na samahan ng mga nurse ay halos 3,000 nurses ang namatay sanhi ng Coronavirus na kumalat sa buong mundo.
Inilathala ng International Council of nurses ang resulta ng survey na kanilang isina-gawa ukol sa sitwasyon ng mga nurse sa buong mundo. Ang publasyon ng nasabing survey ay ini-labas isang taon matapos mag-deklara ng pandemiya sa coronavirus ang World Health Organization.
Ayon sa council, nakapag-tala sila ng halos 3,000 COVID-19 deaths sa mga nurses pa lamang sa loob ng 60 bansa. Sinabi pa nito na maaaring mas mataas pa ang bilang ng tala dahil sa kakulangan ng datos sa mas marami pang bansa.
Malaking bilang rin umano ng mga nurses ang umaalis sa propesyon dahil sa pagod at stress, dagdag pa ng council.
Tinatantiya rin ng ICN na maaaring tumaas nang halos 13 milyon ang kakulangan ng nurse sa buong bansa.
Hinihimok ng pamahalaan na bigyan pa ng mas maraming suporta ang mga nurses sa pamamagitan ng pag-alok ng mas magandang working conditions at iba pang mga benepisyo upang mas mapabuti ang mga trabaho nito.
Nagpa-hayag ng alalahanin ang ICN President na si Anne Kennedy tungkol sa sitwasyon ng mga nurse. Sinabi nito na ang kondisyon ng mga hinaharap ng mga ito ay hindi katanggap-tanggap. Dinagdag rin nito na dapat suklian ng pamahalaan ang dedikasyo at commitment nito sa kanilang mga trabaho.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation