Ano ang mRNA vaccine?
Nakapag-develope na ng kauna-unahang mRNA vaccine upang gamitin sa publiko para labanan ang pandemiyang dala ng coronavirus. Ang mga bakunang ito ay nag-lalaman ng synthesized genetic material mula sa virus na kailangan nilang labanan.
Ang Pfizer-BioNTech vaccine na siyang ginagamit sa Japan ay isang klase ng mRNA type; na siyang dinivelope ng US firm na Moderna.
Paano gumagana ang isang mRNA na bakuna?
Ang bakuna mismo ay nag-lalaman ng mRNA, isang molecule na mayroong genetic information ng tinatawag na “spike protein” na siyang makikitang karakterismo nang coronavirus. Ang mRNA ay nag-sisilbing blueprint para sa ating mga cells upang gumawa ng spike proteins.
Ang prosesong ito ay nag-bibigay ng mga kailangan impormasyon sa ating mga cells upang gumawa ng mga antibodies upang labanan ang mga spike proteins. Kapag pumasok sa ating katawan ang virus, ang mga antibodies ang siyang lumalaban upang puksain ang mga spike proteins.
Naghihiwa-hiwalay ang mga mRNA molecules na siyang dadaloy sa buong katawan.
Ang pangunahing benepisyo ng ganitong bakuna ay ang mas maikli ang development period nito kumpara sa karaniwang bakuna, at ito ay maaaring mag-bukas sa bagong era sa immunology.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation