Share
KYOTO- ang makasaysayang Japanese Teahouse Itohkyuemon ay talaga namang pinagbutihan at ipinerpekto ang pag-papakita ng season o panahon sa kanilang parfait. Ang green tea purveyor ay itinayo sa Kyoto nuong taong 1832, at gumagamit sila ng dahon ng tsaa na nag-mula sa Uji, isang lugar na kilala bilang isang tea paradise.
Ang mataas na kalidad ng tsaa ay ginagamit upang maka-gawa ng iba’t-ibang klase ng parfaits, at ipinag-diriwang ang iba’t-ibang season mula sa kalendaryo ng Japan. Gumawa na sila ng Momiji desserts para sa tag-lagas, at siguro ay ang pinaka-sikat nilang likha ay ang kanilang hydrangea offering para sa panahon ng tag-ulan.
At siyempre, ang pinaka-aantay na season ay tagsibol, magiging kakaiba naman kung ang Itohkyuemon ay hindi gagawa ng sarili nilang likha para sa panahon ng Cherry blossom.
Ang matcha parfait para sa ngayong taon ay mayroong layers ng cherry blossom at green tea. Ang pinaka- sangkap ng dessert na ito ay sakura crushed jelly, rice puffs, homemade matcha jelly at ang dark green matcha syrup. Ang toppings ay siyang ginawang katangi-tangi upqng mag-mukhang kaakit-akit ay mayroon pink mochi dumplings, pink agar, sakura ice cream, sakura sweet potato kinton atbp. Ang kulay na Pink at Green ay palaging ginagamit upang ilarawan ang cherry blossom season, at kahit sino ang maka-kain nito ay tiyak na mararamdaman ang spring mood.Ang isang parfait ay nagkaka-halaga ng 1,390 yen o 1,790 yen kapag ginawang set. Ito ay mabibili sa Itohkyuemon’s Uji Honten main store, JR Uji station and Gion Shijo branch.
Source and Image: Japan Today
Join the Conversation