44-year-old na lalaki arestado sa pagdala at pagkulong sa isang high school na babae sa kanyang bahay

Ang pulisya sa Kamagaya, Chiba Prefecture, ay inaresto ang isang 44-taong-gulang na lalaki na hinihinalang dinala at kinulong ang batang babae na isang high school student sa kanyang tahanan at minolestiya nya ito. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp44-year-old na lalaki arestado sa pagdala at pagkulong sa isang high school na babae sa kanyang bahay

Ang pulisya sa Kamagaya, Chiba Prefecture, ay inaresto ang isang 44-taong-gulang na lalaki na hinihinalang dinala at kinulong ang batang babae na isang high school student sa kanyang tahanan at minolestiya nya ito.

Ayon sa pulisya, nakilala ni Tsuyoshi Hagiwara, isang part-time delivery worker, ang batang babae, na nakatira sa Hachinohe, Aomori Prefecture, sa isang members only social networking site ng buwang ito, iniulat ng Sankei Shimbun. Noong Marso 8, inimbitahan  siyang makipagtagpo sa kanya sa Tokyo. Matapos makilala ang batang babae noong Marso 9, dinala siya nito sa kanyang bahay kung saan kinulong niya ito hanggang Marso 12 nang makatakas ang bata sa bahay agad itong pumunta sa isang malapit na koban (police box). Sinabi ng pulisya na ang babae ay hindi naman nasaktan.

Inireport ng mga magulang ng batang babae na nawawala noong umaga ng Marso 9 matapos magpaalam na gagala ngunit hindi na ito umuwi.

© Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund