SHIZUOKA (TR) – inaresto ng Shizuoka Prefectural Police ang apat na katao kabilang ang isang Brazil national dahil sa hinalang ito ay mga miyembro ng Marijuana trafficking ring o sindikato, ayon sa ulat ng Fuji News Network (Mar. 2).
Nuong ika-1 ng Marso, si Araki Diego Miyano at 3 pang katao ay mayroon umanong dalang 272 gramo ng Marijuana na nagkaka-halaga ng 1.6 milyong yen, at ito ay balak nilang ibenta mula sa isang residente sa lungsod ng Iwata.
Hindi naman sinabi ng mga pulis kung umamin suspek sa mga paratang laban sa kanila.
Pinasok ng mga awtoridad ang residente habang nagiimbestiga ng isang kaso na may kinalaman sa binentang 20 gramo ng Marijuana sa halagang 10 lapad nuong nakaraang Mayo.
Nuong nagiimbestiga, kinumpiska ng mga pulis ang ilang tanim na halaman na Marijuana sa pamamahay ni Miyano sa Hamamatsu City.
Inaresto na rin ng mga pulis ang 5 kostumer ng sindikato. Pinaniniwalaan na ginagamit ang social media sa pag-bebenta ng Marijuana sa mga kabataan sa western part ng prepektura.
Pinaniniwalaan din na mahigit 30 katao ang kostumer ng nasabing sindikato. Naka-kumpiska rin ang mga pulis ng mga electronic cigarette cartridges na may lamang cannabis oil sa loob.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation