2 arestado matapos mamatay ang isang lalaki nang makipag-away sa isang kalye sa Tochigi

Dalawang lalaki aang naaresto sa hinalang sangkot sa physical injury resulting to death matapos silang makipag-away sa isang pangatlong lalaki sa isang kalye sa Oyama, Tochigi Prefecture noong Sabado. #PortalJapan See more⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
&nbsp2 arestado matapos mamatay ang isang lalaki nang makipag-away sa isang kalye sa Tochigi
Tochigi Police Department

TOCHIGI

Dalawang lalaki aang naaresto sa hinalang sangkot sa physical injury resulting to death matapos silang makipag-away sa isang pangatlong lalaki sa isang kalye sa Oyama, Tochigi Prefecture noong Sabado.

Ayon sa pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas-3: 35 ng madaling araw malapit sa silangan na exit ng Oyama Station, iniulat ni Sankei Shimbun. Sinabi ng pulisya na nakita ng mga nakasaksi ang dalawang lalaki na sinusuntok at sinisipa ang biktima na si Hiromitsu Hiraga, 45, na nagtatrabaho sa food industry. Isang testigo ang tumawag sa 110 at iniulat na nakita ang biktima na nakahiga sa kalye walang malay.

Dinala si Hiraga sa ospital kung saan siya ay binawian ng buhay.

Sinabi ng pulisya na ang dalawang pinaghihinalaan na sina Shinji Matsumoto, 39, isang direktor ng real estate company mula sa Gyoda sa Saitama Prefecture, at si Kazuhiro Ishikawa, 36, isang manggagawa sa konstruksyon mula Kazo, Saitama Prefecture, ay nagsumite sa voluntary questioning ngunit dinideny nila na sila ay nagkasala.

© Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund