12% ng mga lugar sa Fukushima town, nananatili pa din na no-go zone

Ang bahagi ng bayan ng Tomioka, na humigit-kumulang 10 kilometro (6 milya) mula sa nuclear power plant na Fukushima Daiichi, ay nananatili pa din na No-go zone, 10 taon na ang nakakaraan matapos ang meltdown ng planta na nagdulot sa lugar na maging isang radioactive zone. #PortalJapan See More⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp12% ng mga lugar sa Fukushima town, nananatili pa din na no-go zone

TOMIOKA, Fukushima

Ang bahagi ng bayan ng Tomioka, na humigit-kumulang 10 kilometro (6 milya) mula sa nuclear power plant na Fukushima Daiichi, ay nananatili pa din na No-go zone, 10 taon na ang nakakaraan matapos ang meltdown ng planta na nagdulot sa lugar na maging isang radioactive zone.

Ang no-go zone ay halos 12% ng bayan, ngunit nasa bahay ng halos isang-katlo ng populasyon ng Tomioka na 16,000. Nananatili itong sarado matapos ang ibang bahagi ng bayan sa hilagang-silangan ng Japan ay muling binuksan noong 2017.

Ang mga may opisyal na pahintulot lamang mula sa tanggapan ng bayan ang maaaring makapasok sa lugar para sa isang pagbisita.

Ang bahagi ng lugar, na tinawag na Yonomori, ay dating isang sentro ng komersyo na may mga tindahan, bahay, isang 7-Eleven na convenience store at isang tanyag na regional chain ng supermarket na tinatawag na York Benimaru.

Kasama rin sa lugar ang Yonomori Park, napapaligiran ng mga lansangan na may linya ng mga puno ng sakura, kung saan ang mga mamamayan ay nagtitipon para sa mga “hanami” na pagdiriwang, pagpiknik sa ilalim ng mga bulaklak.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund