US FDA, pumayag na gamitin ang J&J vaccine pang-emergency use

Sa isang global clinical trials na isinagawa sa mahigit 40, 000 katao, ini-ulat na ang bakuna ay epektibo ng 66.1 porsyento.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspUS FDA, pumayag na gamitin ang J&J vaccine pang-emergency use

Pumayag na ang US Food and Drug Administration ang ikatlong COVID-19 na bakuna para gamitin para sa emergency.

Ina-nunsiyo ng FDA nitong Sabado na inaprubahan na nito ang single-dose vaccine na gawa ng Johnson & Johnson. Sinabi nito na ipinapakita ng datos na “Nakita na ang bakuna ay kayang mahigitan ang potensiyal na benepisiyo nito kaysa sa potensiyal na peligrong kahaharapin.”

Sa isang global clinical trials na isinagawa sa mahigit 40, 000 katao, ini-ulat na ang bakuna ay epektibo ng 66.1 porsyento na pigilan maging kritikal ang mga kaso ng COVID-19 na nagaganap sa loob ng 28 araw matapos ma-bakunahan. Para naman sa mga kritikal na kondisyon ang rate ng pagiging epektibo nito ay nasa 85.4 porsyento.

Sa mga unang yugto ng trials, ang rate ng kaparehong level ng pagiging epektibo nito ay ini-ulat sa South Africa at Brazil, kung saan nakita at nakumpirma ang bagong klase ng virus.

Binigyan na ng awtorisasyon ng FDA ang emergency na pag-gamit ng COVID-19 vaccine na dineveloped ng Pfizer/BioNTech at isa pa na ginawa ng Moderna, na parehong  kinakailangan ng dalawang shot ng bakuna.

Ang Johnson & Johnson’s single-dose vaccine ay maaaring ilagay sa normal na temperatura ng refrigerator mula 2 hanggang 8 degrees Celsius sa loob ng 3 buwan, at inaasahang bumilis ang proseso ng pag-babakuna sa Estados Unidos.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund