TOKYO – Ang kabisera ng Japan ay nag-ulat ng 676 na bagong kaso ng impeksyon ng coronavirus nitong Pebrero 3, ayon sa Pamahalaang Metropolitan ng Tokyo.
Ang mga bagong kaso ay dumagsa matapos naitala ng Tokyo ang 556 na mga kaso ng impeksyon noong Pebrero 2. Ang single-day high ay nasa 2,447 mga kaso, noong Enero 7.
Ang kabisera ng Japan ay nakikipaglaban sa pangatlong wave ng impeksyon ng coronavirus kasunod ng mga naunang surge noong Abril at Agosto nang nakaraang taon. Noong Enero, nagtala ang Tokyo ng kabuuang 39,664 impeksyon, higit sa doble nang bilang na noong Disyembre at ang pinakamaraming kaso sa kabisera sa loob ng isang buwan, kasunod ng pagsisimula ng pandemya sa tagsibol 2020. Nag-post ang Tokyo ng 19,245 kaso ng mga impeksyon noong Disyembre, para sa average ng humigit-kumulang 621 mga bagong kaso bawat araw.
Ang kabuuang 101,466 kaso ng mga impeksyon na iniulat sa Tokyo ay ang pinakamarami sa 47 prepektura ng Japan, na ang kabuuang bilang ng mga namatay sa kabisera ay umabot na sa 917 nitong Pebrero 2. Sa parehong araw, mayroong 2,859 na mga pasyente ang na-ospital sa Tokyo na may COVID-19, kabilang ang 129 na may severe symptoms.
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation