TOKYO – Inaresto ng Tokyo Metropolitan Police ang isang tanyag na doktor dahil sa umano’y paggamit ng stimulant drugs noong nakaraang taon, ulat ng TV Asahi (Pebrero 22).
Si Takashi Kurihara, 45, ay ang director ng Natsumezaka Medical Clinic, na matatagpuan malapit sa Waseda Station sa Shinjuku Ward.
Hinala ng kapulisan na gumamit siya ng kakuseizai, o stimulant drug, sa kabisera noong nakaraang taon. “Wala akong alam tungkol dito,” sabi ni Kurihara sa mga pulis sa kanyang pagkaaresto sa pagtanggi sa mga alegasyong ibinibintang sa kanya.
Noong nakaraang Disyembre, isang miyembro ng pamilya ng Kurihara ang nag-alerto sa semergency service matapos siyang mahulog “halos walang malay.”
Ang mga resulta ng kasunod na urine analysis ni Kurihara ay nag-positibo ang resulta sa stimulant na gamot, ayon sa mga pulis.
Si Kurihara, na kilala bilang isang dalubhasa sa sports medicine, at regular na nanapapanuod sa media upang pag-usapan ang mga bagay na nauugnay sa kalusugan.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation