SUMO STABLEMASTER, PINAGRETIRO DAHIL SA PAGBISITA SA MGA SEX PARLORS

Ang totoong pangalan ni Tokitsukaze ay Masahiro Sakamoto. Ito ang kanyang pangalawang transgression.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOKYO – Pinag-retiro ng Japan Sumo Association si stablemaster Tokitsukaze noong Lunes dahil sa paglabag nito sa mga protocols sa gitna ng pandemyang dala ng coronavirus sa lugar ng isang laban, ulat ng Nippon News Network (Pebrero 22).

Tokitsukaze, Twitter

Noong Enero, si Tokitsukaze, 47, ay bumisita sa fuzoku (commercial sex), mga massage at mahjong parlor sa New Year Grand Tournament, na isang paglabag sa mga alituntunin ng asosasyon na naghahangad na mabawasan ang pagkalat ng impeksyon.

Ang lupon ng mga direktor ng JSA ay napagpasyahan matapos na maimbestigahan ng association’s compliance committee ang bagay na ito.

Ang parusa ay ang pangalawang pinaka-matinding posible sa samahan, kasunod ng pagka-tanggal sa trabaho. Kailangang igalang ni Tokitsukaze ang request na ito.

Ang totoong pangalan ni Tokitsukaze ay Masahiro Sakamoto. Ito ang kanyang pangalawang transgression. Noong nakaraang taon, nademote siya ng dalawang ranggo dahil sa paglalaro ng golf sa Prepektura ng Miyagi.

Sinabi din ng lupon na papalitan ni coach Magaki si Tokitsukaze sa kuwadra sa Sumida Ward. Ang Ozeki Shodai ay kabilang sa mga wrestler sa kuwadra.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund