Binigyang diin ng Punong Ministro ng Japan na si Suga Yoshihide na sisiguraduhin ng kanyang gobyerno na ang bawat isa sa bansa ay mababakunahan at ma-inoculate, dahil ang mga bakuna ay susi upang tuluyang malabanan ang coronavirus pandemic.
Sinabi pa ni Suga sa isang komite sa Mababang Kapulungan noong Lunes na alam niya ang pananaw na ang Japan ay nasa likod ng mga western countries na pagbibigay pahintulot sa mga bakuna.
Sinabi pa niya na ang bilang ng mga impeksyon sa Japan ay mas mababa kaysa sa mga bansa sa Kanluran, at iyon ang dahilan kung bakit tumatagal ang oras para lumabas ang mga resulta ng mga klinikal na pagsubok. Sinabi din niya na ang mga bakuna ay maaaring tumalab ng iba para sa iba’t ibang lahi, kaya kinakailangan ang mga klinikal na pagsubok sa mga Japanese. Idinagdag pa niya na ang proseso ng pagpapahintulot ay tumatagal ng matagal dahil ang mga awtoridad sa kalusugan ay dapat tiyakin na ang mga bakuna ay epektibo at ligtas.
Ang ministro na namamahala sa vaccine program ,si Kono Taro, ay nagsabi na ang gobyerno ay maaaring ma-secure ang mga kinakailangang dosis para sa mga inokulasyon ng mga prioridad na tao na inaasahan nitong magsimula sa kalagitnaan ng Pebrero.
Sinabi ni Kono na layunin ng gobyerno na simulang bigyan nang mga shots ang mga nakatatandang mamamayan mula Abril, at gagamitin ang bakuna na binuo ng US pharmaceutical firm na Pfizer. Sinabi niya na ang bawat receipient ay makakatanggap ng bakuna nang dalawang beses.
Sinabi din niya na ang mga tests ay isinasagawa upang makita kung ang mga kasalukuyang bakuna ay gagana laban sa mga viriants ng virus, ipinahayag din na ang ilang resulta ng survey ay nagpapakita ng pagiging epektibo ng nasabing bakuna laban sa ilang mga mutasyon.
Sinabi ni Kono na panatilihin gobyerno ang publiko ay updated sa mga pinakabagong impormasyon.
Ang Transport Minister na si Akaba Kazuyoshi ay sinagot ang mga katanungan patungkol sa nasuspindeng “Go To Travel” subsidy program.
Sinabi ni Akaba na ang mga karagdagang hakbang laban sa impeksyon ay dapat gawin upang ang mga tao ay makapaglakbay nang walang alalahanin.
Tinukoy niya na ang pagpapatuloy ang nasabing campaign sa mga limitadong lugar ay isang ideya,idinagdag din niya na nais niyang tiyakin na maaari itong ma-restart nang maayos sa tamang oras at panahon.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation