STAFF MEMBER NG NHK , INAKUSAHAN NG PANANAKIT SA ISANG TAXI DRAYBER

"Ang pag-aresto sa isang staff ay nakakalungkot," pahayag ng tagapagsalita para sa NHK.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

TOKYO – Inaresto ng Tokyo Metropolitan Police ang isang kawani ng pampublikong brodkaster na NHK dahil sa umano’y pananakit sa isang tsuper ng taksi sa Shinjuku Ward noong Lunes, ulat ng Nippon News Network (Pebrero 15).

Dakong 2:20 ng umaga, sinuntok umano ni Ryosuke Sayamoto, 32, ang mukha ng driver at sinipa ito sa binti sa isang kalsada sa lugar ng Yaraicho.

Nagtamo ang tsuper ng light injuries sa kanyang binti, ayon sa Ushigome Police Station.

Sa kanyang pagka-aresto dahil sa salang Inflicting Bodily Injury, tahasang pinasinungalingan ni Sayamoto ang mga alegasyon laban sa kanya, ” Lasing ako ng mga oras na iyon at wala akong naalala sa mga pangyayari.”

Si Sayamoto, na nakatira sa Nakano Ward, ay nagtatrabaho sa isang broadcast news division. Bago ang insidente, dumiretcho ang drayber patungo sa kalsada kung nasaan ang suspek. “Mapanganib iyan,” sabi ng suspek habang bumaba ang tsuper mula sa sasakyan. Kung saan nagkaron ng pagtatalo ang dalawa.

“Ang pag-aresto sa isang staff ay nakakalungkot,” pahayag ng tagapagsalita para sa NHK. “Matapos makumpirma ang katotohanan, haharapin namin [ang bagay na ito] at makikipag-tulungan sa imbestigasyon ng kapulisan.”

Source: Tokyo Reporter

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund