TOKYO- Ang Tohoku Electric Power ay may sapat na generation capacity upang matugunan ang demand ng merkado, sinabi ng isang tagapagsalita noong Lunes, matapos ang isang malakas na lindol sa nitong weekend na nagpatumba ng maraming malalaking mga fossil-fueled power stations.
Ang lindol na may lakas na 7.3 magnitude ay na nagdulot ng pinsala sa buong hilagang rehiyon at 150 ang sugatan, kasama na ang Fukushima, sa isang karagdagang tests ng electriciy grid na malapit sa blackout noong nakaraang buwan dahil sa malamig na panahon.
“Sa ngayon, mayroon kaming sapat na kapasidad na supply, ngunit magpapatuloy na maingat na bantayan ang sitwasyon at isasaalang-alang ang mga hakbang upang matiyak ang matatag na mga supply ng kuryente kung kinakailangan,” sinabi ng tagapagsalita sa Reuters sa pamamagitan ng telepono.
Matapos ma-knock 0ut ng lindol ang generation capacity, napilitan ang Tohoku Electric na humingi ng mga supply ng kuryente mula sa iba pang mga regional utilities noong Linggo, aniya.
Upang matugunan ang demand sa supply, ang kumpanya ay nag-restart ng mga unit na nakapatay bago ang lindol, pati na rin ang isang 1 GigaWatt station na awtomatikong namatay nang tumama ang lindol bago maghatinggabi ng Sabado. Sinara rin nito ang dalawang mga yunit para sa mga ma-ckeck pagkatapos.
Ang wholesale prices ng elektrisidad ay bumagsak sa loob ng normal trading range sa normal na araw, ipinakita ang datos ng Japan Electric Power Exchange, kasunod ng pagtaas nito noong Linggo matapos ang lindol.
Ayon sa Japan Meteorological Agency na ang lindol ay maaaring nagmula sa greater seismic activity matapos 9.0 magniude na lindol noong Marso 11, 2011 na nagsimula sa isang tsunami, kumitil sa buhay ng halos 20,000 katao sa malawak na lugar ng hilagang-silangan.
Nagdulot din ito ng worst nuclear disaster sa buong mundo sa loob ng 25 taon, nang matunaw ang tatlong reaktor sa istasyon ng Fukushima Daiichi ng Tokyo Electric Power.
Ang lindol noong nakaraang linggo ay hindi nagdulot ng anumang pinsala sa mga nuclear plants, at wala sa alinman sa nago-operate na planta sa hilagang Japan.
Source: Japan Today
Join the Conversation