SCOUTING GROUP EXECUTIVE, NASAKOTE DAHIL SA PANANAKIT SA ISANG KATRABAHO

"Kung hindi ka magbabayad ng multa, papatayin kita," sabi ni Sawada sa pag-renact ng insidente.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOKYO – Inaresto ng Tokyo Metropolitan Police ang isang upper-member ng isang malaking scouting group sa salang Assault sa isang pang miyembro noong nakaraang taon, ulat ng Fuji News Network (Pebrero 4).

Noong Setyembre, si Kazuya Sawada, isang 29 taong gulang na executive ng Natural, ay nanuntok umano nang lalaking kasapi, 28, sa mukha sa isang parke sa Shinjuku Ward

Kazuya Sawada (Twitter)

“Kung hindi ka magbabayad ng multa, papatayin kita,” sabi ni Sawada sa pag-renact ng insidente.

Ang humigit-kumulang na 800 ang miyembro ng Natural na nagso-solicit sa mga kababaihan sa mga lansangan ng Kabukicho at iba pang mga red light district sa kabisera upang mkapag-trabaho para sa mga adult-entertainment na negosyo.

Ayon sa mga awtoridad ang biktima ay lumabag sa isang patakaran ng grupo bago ang insidente.

Hinala ng mga pulis na ang Natural ay may kaugnayan sa organisadong krimen.

Source : Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund