Sinusuri ng maigi ng gobyerno ng Japan kung mayroong mga lugar kung saan maaaring nang i-lift ang State of Emergency bago pa man ito mag-expire sa Marso 7.
Dahil sa revised coronavirus special measures law ay magkaka-bisa sa Sabado, ang gobyerno ay kasalukuyang naghahanda upang kumunsulta sa mga eksperto kung paano maipapakita ang mga rebisyon sa mga alituntunin ng pagbabawas ng mga infection risks.
Ang pagpupulong ay inaasahang magaganap bandang Biyernes.
Pinapayagan ng revised law ang phased easing ng mga hakbang, kahit na walang State of Emergency.
May iilang lugar na bumaba ang bilang ng mga bagong kaso ng impeksyon at inaasahan ng gobyerno na makita kung mayroong nang mga prepektura kung saan maaaring nang alisin ang State of Emergency.
Ito ay na-extend hanggang Marso 7 sa 10 prepektura kabilang ang Tokyo.
Ipinahiwatig ng Gobernador ng Osaka na si Yoshimura Hirofumi na kung hihilingin ng central government na wakasan na ang state of emergency, mas gugustuhin niya ideya ng phased easing of measures.
Karamihan sa mga gobernador sa pag-pupulong sa National Governors’ Associations noong Sabado ang nag-nanais na ang pamahalaang sentral ay magtakda ng mga pamantayan para sa paglalapat ng phased measures.
Ang gobyerno ay magpapatuloy na pag-aralan ang kasalukuyang katayuan ng medical health system sa 10 prepektura, kahit na matapos ang State of Emergency kung sakaling may surge sa pagkalat ng virus. Isinasa-alang-alang dito ang phased easing of measures.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation