Nagpasya ang health officials ng Japan na hilingin sa mga pasyente na may malubhang sintomas ng COVID-19 na manatili sa ospital nang hindi bababa sa 15 na araw pagkatapos nilang magsimulang magpakita ng mga sintomas.
Sinuri ng ministeryo ang mga pamantayan nito para sa pagpapalabas ng mga pasyente na inilagay sa mga ventilator o ECMO machine.
Sinabi ng ministeryo na natagpuan sa isang research sa ibang bansa na ang mga nasabing pasyente ay maaaring manatiling nakakahawa sa loob ng 15 araw pagkatapos magkaroon ng mga sintomas.
Hihilingin ng ministry ang mga pasyenteng ito na magself-quarantine sa naka isolate na silid ng kanilang bahay at obserbahan ang iba pang mga hakbang sa anti-impeksyon kahit na sila ay nakalabas mula sa ospital hanggang sa lumipas ang 20 na kabuuang araw mula noong una silang nagsimulang magpakita ng mga sintomas.
Aabisuhan ng ministry ang mga lokal na pamahalaan ng mga pagbabagong ito sa malapit na hinaharap.
Sa kasalukuyang alituntunin, nangangailangan ang mga pasyente na mai-ospital ng hindi bababa sa 10 araw lamang pagkatapos nilang simulan ang pagbuo ng mga sintomas.
Join the Conversation