OPISYAL NA INAPRUBAHAN NA NANG JAPAN ANG PFIZER VACCINE

Ibibigay ang bakuna sa mga taong may edad 16 o mas matanda pa. Dalawang shots ang pag-administer ng may tatlong linggo ang agwat ang gagawin.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspOPISYAL NA INAPRUBAHAN NA NANG JAPAN ANG PFIZER VACCINE

Opisyal na inaprubahan ng gobyerno ng Japan ang bakuna kontra coronavirus na binuo ng isang kumpanya ng gamot sa Estados Unidos na Pfizer. Ang bakuna ay ang unang binigyan ng green light para magamit laban sa coronavirus sa bansa.

Sinabi ng Ministry of Health and Welfare noong Linggo na nagbigay ito ng pahintulot matapos ang isang panel ng mga eksperto ay nakapagpasya noong Biyernes batay sa kanilang natuklasan sa pagiging epektibo at kaligtasan nang nasabing brand ng bakuna.

Nag-apply ang Pfizer para sa pag-apruba ng bakuna noong Disyembre.

Ibibigay ang bakuna sa mga taong may edad 16 o mas matanda pa. Dalawang shots ang pag-administer ng may tatlong linggo ang agwat ang gagawin.

Inaasahan na magsisimula ang mga inokasyon simula pa sa Miyerkules. Ang mga medical workers ay magiging una sa pila na makatanggap ng bakuna, na susundan ng mga matatanda.

Sa ilalim ng kontrata sa gobyerno, ang Pfizer ay dapat magbigay sa Japan ng sapat na dosis para sa 72 milyong katao sa pagtatapos ng taon.

Ang isa pang firm, ang AstraZeneca ng Britain, ay nag-apply para sa pahintulot noong Pebrero 5 na gamitin ang bakunang coronavirus sa Japan. Ang kumpanya ng US na Moderna ay nagsasagawa rin ng mga klinikal na pagsubok kasama ang bakuna nito sa Japan.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund