Nepalese conbini staff niligtas ang matandang babae laban sa mga scammers

Isang 35-taong-gulang na Nepalese staff ng convenience store sa Fukushima City ang napigilan na ma-scam ang isang matandang babae matapos na maghinala ito nang gusto nitong bumili ng e-money card at lagyan ng charge na nagkakahalagang 150,000 yen. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspNepalese conbini staff niligtas ang matandang babae laban sa mga scammers

Sa Japan, ang cash pa din ang nananatiling pinaka-tanyag na paraan upang magbayad para sa mga bagay. Ngunit sa mga mas nakababatang henerasyon mas convenient na gumamit ng E-money na linalagay sa mga card.

Kaya’t ang isang 35-taong-gulang na Nepalese staff ng convenience store sa Fukushima City ay nagulat noong nakaraang buwan na may isang matandang babae na pumasok sa konbini ng kanyang pinagtatrabahuhan at hiniling na bumili ng isang e-money card. Pagkatapos ay nagulat siya nang sinabi sa kanya ang halagang nais niyang ilagay sa card: 150,000 yen.

Oo naman, posible na ang babae ay isang digital-savvy techno na lola, ngunit sa mga scammers sa Japan na madalas na tina-target ang mga matatanda, naramdaman ng staff ng konbini na dapat niya munang tiyakin na ang babae ay hindi sinasamantala ng mga scammers.

Kaya’t tinanong nya muna ito tulad ng “Bumibili ka ba ng card upang gamitin para sa iyong sarili?” tinanong niya, kung saan tumugon ang babae: “nagkamali ako sa isang website, kaya kailangan kong magpadala ng pera sa kanila. Ipapadala nila sa akin ang natirang halaga sa ibang araw. ”

Doon nya nasigurado na ang babae ay na-target ng mga manloloko, binalaan siya ng staff laban sa pagbili nito at sundin ang mga scammers. Gayunpaman, ang babae ay desido pa din na kasalanan niyang lahat kaya dapat siyang magbayad kasi legal na responsibilidad niya na magbayad.

Gayunpaman, ang staff ay hindi pa din siya pinagbentahan ng emoney card at  matapos ang 10 minuto ng pagkumbinse sa matanda ay sa wakas ay nakumbinsi niya na tumawag muna ito ng pulis bago bumili ng card, at pagkatapos ng dumating mga pulis nakumpirma na nga nila at nakumbinsi ang matanda na siya ay biktima ng mga scammers at ipinaliwanag sa kanya ang mga modus nito kung saan madami na ang mga nabibiktima.

Sa bandang huli napag alaman nila na hindi lang pala 150,000-yen na e-money card ang pinapabili sakanya kundi inutusan din sya ng scammer na matapos niya mabili ang card sa konbini ay pumunta pa sya sa isang konbini ay bumili ulit ng isa pang card na nagkakahalaga ng  400,000-yen.

“Pinasalamatan ako ng babae, na siya namang nagpapaligaya sa akin,” sabi ng staff,  Inilahad din niya na may natanggap siyang isang liham ng papuri mula sa Fukushima Prefectural Police.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund